Tuesday, September 29, 2015


                             " ANG APAT NA PARAAN NG PAGPAPAHAYAG "

Pagsasalaysay 
                 Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. katulad ito ng pagkukwento ng mga kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat; epiko at mga kwentong bayan.

. 

PAGLALARAWAN 
                 - Ito'y isang anyo ng pagpapahayag na 
naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng 
mga mambabasa o nakikinig. sa pamamagitan ng paggamit ng 
tiyak na salitang naglalarwan, gaya ng pang-uri at 
pang-abay, malinaw na naipakikita ang katangian ng tao, 
bagay, lugar o pangyayari na ating nakikita, naririnig o nadarama. 
- napapagalaw at napakikislot din ng 
paglalarawan ang ating mga guni-guni, imahinasyon at 
nakatatawag ng paningin at pansin ng mga mambabasa 

Pangangatwiran 
- Ito ay isang pahpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. (- Badayos) 

paglalahad 
- pagkukuwento ; pagsasalaysay.
        -Pagpapaliwanag ukol sa pamamaraan  o proseso ng paggawa ng isang bagay at nang isang layunin o simulain.


PAGSASANAY:
              Tukuyin ang apat na paraan ng pagpapahayag sa pamamagitan ng pagsasadula.

   By: Ziderlyn Azores Profed7b, MW 7:00-8:30pm

No comments:

Post a Comment