Pangungusap
(Sentence)
I. Introduksyon:
Ang Pangungusap ay lipon ng mga salita na nagsaad ng
buong diwa.
Bawat pangungusap ay may dalawang bahagi -- ang Simuno at
Panaguri
1. Ang Simuno (subject) ay ang paksa o ang pinag-usapan
sa pangungusap. May mga panandang si, sina kung tao ang simuno at ang o ang mga
kung bagay, lunan o pangayayari.
2. Ang Panaguri (predicate) naman ang nagsasabi tungkol
sa simuno.
Halimbawa:
a. Ang pinaghugasan ng pinggan ay ipinandidilig ko ng
halaman.
Simuno: pinaghugasan ng pinggan
Panaguri: ay ipinandidilig ko ng halaman
b. Ginagamit ko ang basurahan nang maayos.
Simuno: ang basurahan
Panaguri: ginagamit nang maayos
II. Ayos ng
Pangungusap
May dalawang kaayosan ang pangungusap. Ito ay ang
Karaniwang Ayos at ang Di-karaniwang Ayos.
Ang Karaniwang Ayos ng pangungusap ay nauuna ang panaguri
kaysa sa simuno/paksa.
Hal.
Nandito ako.
(panaguri) (simuno)
Ang Di-karaniwang Ayos ng pangungusap ay kung nauuna ang
paksa at ginagamitan ng panandang "ay".
Hal.
Ako ay isang matalinong bata.
(simuno) (panaguri)
III. Mga Uri ng
Pangungusap
May apat na uri ang pangungusap ayon sa gamit:
1. Paturol o Pasalaysay - ang pangungusap kung naglalahad
ito ng isang katotohanang bagay. Nagtatapos ito sa tuldok (.).
Hal.
Nakalimutan mo ang iyong aklat sa bahay.
2. Pautos - ang pangungusap kung nag-uutos at nagtatapos
din ito sa tuldok (.).
Hal.
Pakikuha po ng sapatos ko sa may mesa.
3. Patanong - ang pangungusap kung nagtatanong.
Nagtatapos ito sa tandang pananong (?).
Hal.
Sino ako?
4. Padamdam - ang pangungusap kung nagsasaad ng matinding
damdamin. Nagtatapos ito sa tandang padamdam (!).
Hal.
Aba, may sunog!
IV. Payak at
Tambalang Pangungusap
1. Payak na pangungusap - kung ang isang ideya lamang ang
ipinahahayag. May simuno at panaguri ito na maaring higit sa isa.
Hal.
Masarap at masustansya ang mga gulay.
2. Tambalang pangungusap - kung dalawang diwa o ideya ang
ipinahahayag na maaring magkatulad, magkasalungat o pagpipilian. Dalawang payak
na pangungusap ang pinagsama at pinag-uugnay ng at, o ngunit,
Hal.
Naglalaba si Juan habang nagluluto ang kanyang asawa.
V. Layon ng
Pangungusap
Tatlo ang layon na maaring gamitin sa pangungusap.
1. Ang tuwirang layon ay tumatanggap ng kilos pandiwa at
may panandang ng. Sumasagot ito sa tanong na ano.
Hal.
Sumayaw siya ng Tango.
2. Ang di-tuwirang layon ng pandiwa ay pinaglalaanan o
pinagtutunguhan ng kilos. Sumasagot ito sa tanong ng kanino.
Hal.
Binigyan ko siya ng bulaklak.
3. Ang layon ng pang-ukol na sa ay tumutukoy sa lugar
kung saan naganap ang kilos.
Hal.
Pumunta kami sa palengke
By: Jessie Echano jr Prof.Ed7b MW 7-8:30pm
No comments:
Post a Comment