Sa ating mga pahayag o pagsasabi ng ating nadarama o naiisip, may mga ginagamit tayong kataga na nagbibigay ng iba't ibang kahulugan sa ating pahayag.
Tuklasin:
Ana: Tulog ka na ba, Bambi?
Bambi: Hindi pa naman. Hinihintay ko nga ang tawag mo.
Ana: Bukas nga pala ay pupunta ako riyan. Magpapaturo lang ako sa iyo ng pagluluto.
Bambi: Tumawag ka muna bago ka pumunta. Lalabas kasi kami ng nanay ko.
Ana: Sige, magkita sana tayo bukas.
Bambi: May sakit ka yata?
Ana: Hindi, inaantok lang ako. Bye.
Bambi: Bye.
Pansinin ang kahulugan ng mga pahayag na maysalitang sinalungguhitan sa usapan.
Anu-ano ang mga kahulugang ipinahayag ng mga katagang ginamit?
Ang mga katagang ito ay tinatawag na ingklitik. kapag nag-iisa walang kahulugan ang mga ingkltik. nagkakaroon lamang ito ng kahulugan kapagginamit na sa pangungusa. ang mg ito ay nagbibigay ng iba't ibang pakahulugan sa pangungusap.
Narito ang iba pang halimbawa:
Aalis pala siya.
Aalis na siya.
Aalis ba siya?
Aalis na nga siya.
Aalis yata siya.
Aalis kasi siya.
Aalis sana siya.
Kung inyong mapapansin naiiba ang kahulugan ng bawat pahayag depende sa ingklitik na ginamit.
Tandaan:
"Ang mga ingklitik ay maiikling kataga na walang kahulugan sa kanilang sarili subalit nakakapagpabago ng kahulugan ng pangungusap.Halimbawa ng mga ingklitik ay ba, nga, yata, pala, daw/raw, kaya, kasi, man, muna, lang, pa, na, at iba pa."
GAWAIN:
Ibigay ang angkop na ingklitikna bubuo s bawat pangungusap.
- Ikaw ________ ang dumating?
- Umalis na ________ siya at may gagawin pa ako.
- Darating ________ mamaya ang bisita.
- Nagmamadali siya ________ nalimutan niyang kumain.
- Dumating naman ________ siya?
- Umalis ________ siya dahil nainip sa paghihintay sa iyo.
- Kumain ________ sila bago umalis.
- Naglalaba ________ siya hanggang ngayon.
- Hindi ka ________ tumawag bago pumarito.
- Pupunta ________ raw siya ngayon.
Inihanda ni Bb. Ronalyn B. Ramos
Para sa kursong Educational Technology 2
(Class Schedule: MW 7:00-8:30pm)